Pito sa bawat 10 Pilipino ang pabor na dapat igiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea
Batay na rin ito sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration nuong 2016 na pumapabor sa claim ng Pilipinas sa lugar.
Nakasaad sa survey na 70 porsyento ng respondents ang pabor sa paggigiit ng Pilipinas sa karapatan nito sa West Philippine Sea, 13 porsyento ang tutol at 15 porsyento ang undecided.
Samantala apat sa kada limang Pinoy ang sumusuporta sa pakikipag alyansa ng Pilipinas sa ibang bansa para maidepensa ang territorial rights nito sa WPS.
Katumbas ito ng 82 porsyentong pabor, siyam na porsyento ang hindi sang ayon at walong porsyento ang undecided.
Ito ay dalawang porsyentong mababa sa June 2019 survey kung saan 84 na porsyento ang sang ayon sa pagbuo ng alyansa ng pilipinas sa ibang bansa na handang tumulong sa pag depensa ng seguridad sa WPS.
Ang naturang survey ay isinagawa nitong July 3 hanggang 6 sa mahigit 1,500 adult Pinoys sa pamamagitan ng celfon at computer assisted telephone interviewing.