3 sa bawat 4 na Pilipino ang nagsabing dapat i-renew ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN corporation.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) mula noong Hulyo 3 hanggang Hulyo 6 kasabay ng pagtalakay ng House of Representive at bago ang botohan sa usapin.
Ayon sa SWS survey, 75% ng mga adult Filipino ang sumasang-ayon na dapat mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN; 13% ang hindi; habang 10% ang undecided.
Lumabas din sa survey na 56% ng mga Pilipino ang sumasang-ayon sa posibilidad ng malaking dagok o epekto sa malayang pamamahayag ang hindi pag-renew ng Kongreso sa prangkisa ng network.
27% naman ang nagsabi ng hindi ito makaapeto habang 15% ang undecided.
Nakita rin ng SWS sa kanilang survey na pinakamarami o katumabas ng 80% ng mga taga-Mindanao ang labis na sumusuporta sa renewal ng prangkisa ng network.
Sinundan ito ng Visayas na mayroong 77%; balance Luzon na 74%; at Metro Manila na may 69%.