Mayorya ng mga Pilipino ang sasalubong sa bagong taon nang mayroong pag-asa kaysa takot.
Ito ay batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations kung saan 90& ng mga Pilipino ay may pag-asa sa 2025.
Mas mababa ito kumpara noong 2023 na 96%, at pinakamababa mula noong 2009.
Isinagawa ang nasabing survey noong December 12 hanggang 18 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,160 respondents. – Sa panulat ni John Riz Calata