Mayorya ng mga Pilipino ang hindi pabor na gawing legal sa bansa ang same sex marriage.
Ito ay batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan 61 porsyento ng mga respondents ang tutol sa nasabing panukala.
22 porsyento naman ang nagsabing kanila itong susuportahan habang 16% naman ang undecided.
Isinagawa ang naturang survey noong Marso 23-27 sa 1,200 respondents.
Metro Manila Pride March, isinagawa sa Marikina Sports Complex
Samantala, isinagawa naman kahapon, Hunyo 30 ang Pride March na dinaluhan ng libu-libong miyembro ng lesbians, gays, bisexuals and transgender (LGBT) community upang ipanawagan ang equality o pagkakapantay-pantay ng trato sa lipunan maging anuman ang iyong sexual orientation.
Rise Up Together ang tema ng Pride March ngayong taon.
Ayon sa punong abala ng Metro Manila Pride na si Nicky Castillo, inoorganisa ang pagtitipon kada taon sa buwan ng Hunyo upang bigyang lugar at boses ang LGBT community na malayang maipamahayag ang kanilang panawagan para sa kanilang mga karapatan.
Sa huli, naging mapayapa at matagumpay ang isinagawang Pride March na sinamahan pa ng ilang mga tampok na pagtatanghal at fireworks display sa dulo ng programa.