Halos mayorya ng mga Pilipino ang hindi kumbinsidong magpabakuna dahil sa isyu ng safety concerns.
Ayon sa survey ng Pulse Asia bagama’t 95% ng mga Pilipino ang batid na mayruong mga dini-develop na bakuna kontra COVID-19, 47% ang nagsabing hindi sila magpapabakuna.
32% naman ang handang magpa bakuna at ang nalalabing 21% ay nagdadalawang isip pa kung magpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19.
Iginiit ng 84% ng mga nagsabing ayaw nilang magpabakuna ang safety concerns na dahilan ng kaniyang pag ayaw na maturukan.
Ipinabatid pa ng Pulse Asia na 7% naman ang nag aalalang hindi libre ang bakuna, 5% ang naniniwalang hindi sapat ang bakuna lang para malabanan ang COVID-19 at 4% ang nagsabing posibleng mahal ang bakuna.