Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi na dapat pang palawigin ang martial law sa Mindanao –oras na mapaso na ito bukas, Disyembre 31.
Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 65% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat nang magwakas ang martial law sa Mindanao.
Habang 34% naman ang nagsabing dapat pa itong palawigin.
Isinagawa ang survey simula Disyembre 13 hanggang 16 sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa.
Magugunitang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas militar ang buong Mindanao noong Mayo 23, 2017 kasunod ng pagkubkob ng Maute terror group sa Marawi City.
Tatlong beses itong pinalawig at nakatakdang matapos bukas, Disyembre 31.