Walumpu’t anim (86) na porsyento ng mga Filipino ang kuntento sa demokrasya sa bansa.
Ito’y base sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa 1,200 respondents noong September 24 hanggang 27.
Animnapu’t dalawang (62) porsyento naman ng mga respondent mas pinili ang demokrasya bilang akmang sistema ng gobyerno.
Kumpara ito sa 79 percent na naitala noong Hunyo ngayong taon at 80 percent noong June 2013.
Wala namang problema sa labing-apat (14) na porsyentong nalalabing respondent kung democratic o non-democratic ang form of government.
By Drew Nacino