Kuntento ang mayorya ng mga Pilipino sa mga ginagawang pagsisikap ng pamahalaan para sa rehabilitasyon at muling pagbangon ng Marawi City.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations simula Setyembre 23 hanggang 27.
Kung saan lumabas na 77 porsyento ng mga Pilipino ang satisfied habang 8 porsyento ang hindi kuntento at 15 porsyento ang undecided.
Samantala, 56 na porsyento ng mga Pilipino naman ang naniniwalang aabutin ng limang taon o higit pa bago manumbalik sa normal ang Marawi City.
Apatnapu’t anim na porsyento namang ang nagsabing kakailanganin lamang ng pamahalaan ang apat na taon para sa rehabilitasyon ng lungsod habang isang porsyento ang undecided.
—-