Mayorya ng mga Pilipino ang kontento o nasisiyasahan sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Batay ito sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan nakakuha ng plus 70 o excellent net satisfaction rating ang anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.
Ayon sa SWS, 82 porsyento ng mga adult Filipino respondents ang nagsabing kontento sila sa paraan ng pagsugpo ng administrasyong Duterte kontra iligal na droga.
Habang nasa 12 porsyento ang hindi nasisiyahan at anim na porsyento ang undecided.
Nabatid din sa survey na ilan sa mga respondents ang naniniwalang nakatulong ang kampanya ng pamahalaan para mabawasan ang bilang ng mga drug suspects at kalakalan ng mga iligal na droga.
Gayundin ang mabawasan ang mga nangyayaring krimen at mapabuti ang peace and order situation sa buong bansa.
Isinagawa ang nabanggit na survey noong Hunyo 22 hanggang Hunyo 26 sa may 1,200 mga adult respondents.