Mayorya ng mga pilipino ang nagsasabing napakahalaga pa rin ng relihiyon sa kanilang buhay.
Ito ay batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) sa gitna ng mga pinagdadaanang krisis sa buong mundo dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Lumalabas na 83% ng mga Pinoy ang naniniwalang malaki ang epekto sa kanilang buhay ng kanilang relihiyon.
Nasa 7% naman ang nasabing medyo mahalaga ang relihiyon habang 3% naman ang nagsabing hindi ito gaanong importante.
Ginawa ang survey sa 1,200 indibidwal sa buong bansa.