Mayorya ng mga Pilipino ang nagsabing masaya sila sa kanilang “love life”.
Ito’y batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ngayong araw.
Lumabas sa survey na limampu’t isang (51) porsyento ng adult Filipinos ay labis ang kasiyahan sa kanilang buhay pag-ibig, habang tatlumpu’t anim (36) na porsyento naman ang nagsabing maaari silang maging masaya at labing tatlong (13) porsyento ang nagsabing hindi sila masaya sa kanilang love life.
Gayunman mas mataas pa rin ang naitala noong 2017 kung saan limampu’t pitong (57) porsyento ng mga Pinoy ang napakasaya sa kanilang love life.
Samantala, sa pinakahuling survey lumabas din na mas marami ang single na babae kaysa single na lalaki na walang love life.
Ang survey ay isinagawa sa isang libo apatnaraan apatnapung (1,440) adult respondents mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.
—-