Mayorya ng mga pilipino ang nagpahayag na ang pagkontrol sa inflation ang pangunahing national issue na dapat agad aksyunan ng Marcos administration.
Batay ito sa pinakabagong Pulse Asia survey na inilabas kahapon.
Sa September 17 hanggang 21 survey sa 1,200 adult respondents, 66% ng mga pinoy ang nagsabing dapat unahing aksyunan “agad” ng gobyerno ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Pangalawang nais ng mga pinoy na dapat agarang tutukan ng gobyerno ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, 44%; pangatlo ang job creation, 35% habang 34% ang nais maibsan ang kahirapan.
Nitong Miyerkules lamang nang i-anunsyo ng Philippine Statistics Authority na lumobo ang September inflation rate sa 6.9%, na pinakamataas sa loob ng apat na taon.