Mayorya ng mga Pilipino ang naninirahan sa urban communities.
Batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), 58.93 milyong Pilipino mula sa 109.03 milyong populasyon noong 2020 ang nakatira sa nasabing uri ng komunidad.
Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 7.20 milyon mula sa 51.73 million urban residents noong 2015.
Ayon pa sa PSA, 46% o katumbas ng 50.1 milyong Pilipino ang naninirahan naman sa mga rural community noong 2020, habang ang mga nasa urban areas ay nasa 54.0%.
Nanguna sa Level of Urbanization noong 2020 ang CALABARZON, na may 70.5%; sinundan ng Davao na may 66.8%; Central Luzon, 66.3%; at SOCCSKSARGEN na may 55.5%.
Pagdating naman sa mga siyudad, ang Angeles City sa Pampanga at Mandaue sa Cebu ang may pinakamataas na level of urbanization na kapwa mayroong 100%; sinundan ng Olongapo City sa Zambales na may 98.5%, at General Santos City sa SOCCSKSARGEN na may 98.45.