Anim sa sampung mga Pilipino o katumbas ng 60 porsyento ang naniniwalang hindi dapat hadlangan ng pamahalaan ang imbestigasyon ng mga international organizations sa mga insidente ng pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga sa bansa.
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations kung saan sa nasabing bilang, 26 na porsyento ng mga Pinoy ang lubos na sumasang-ayon at 34 na porsyento ang bahagyang sumasang-ayon sa imbestigasyon ng mga international groups sa war on drugs tulad ng United Nations.
Habang 15 posyento naman ang hindi sumasang-ayon sa imbestigasyon ng mga international groups at 25 porsyento ang undecided.
Isinagawa ang survey mula Hunyo 22 hanggang Hunyo 26 sa may isang 1,200 mga respondents sa buong bansa.
Magugunitang, kamakailan lamang ay inaprubahan ng U.N Human Rights Council ang resolusyon ng Iceland na humihiling na imbestigahan ang mga insidente ng pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga sa Pilipinas.