Mayorya ng mga Filipino ang naniniwalang gaganda ang kanilang pamumuhay sa susunod na anim na taon.
Batay ito sa isinagawang tugon ng masa survey ng OCTA research sa isanlibo dalawandaang respondents noong October 23 hanggang 27 na inilabas naman ang resulta kahapon.
Lumabas sa survey na 51% ng adult Filipinos ang nagsabing magiging maayos ang kanilang buhay sa susunod na anim na buwan, 40% ang naniniwalang walang pagbabago habang 6% ang nagsabing magiging malala.
Pinaka-marami ang may positibong pananaw sa Visayas, 65% habang pinaka-mababa sa Mindanao, 42%.