Mahigit kalahati ng mga Pilipino ang kumbinsido na puwede pang magbago ang mga nasasangkot sa illegal drugs.
Batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS nitong Setyembre, 51 percent ang hindi pumabor na ang mga taong sangkot sa illegal drug trade ay walang kakayahang magbago, 28 percent naman ang pumabor samantalang undecided ang 20 porsyento.
Samantala, hati naman ang opinion ng respondents sa isyu kung tama lang bang patayin ang mga nasasangkot sa illegal drugs.
Batay sa survey, 42 percent ang hindi hindi pumabor, 39 percent ang pabor samantalang 19 percent ang undecided.
—-