Mahigit mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang mayroong ‘ninja cops’ sa Philippine National Police (PNP).
Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan halos walo sa bawat 10 Pilipino o 78% ang naniniwalang may ‘ninja cops’; 15% ang hindi tiyak at 4% lamang ang hindi naniniwala.
Sa tanong naman kung naniniwala ang mga Pinoy sa akusasyong si dating PNP Chief Oscar Albayalde ay protektor ng ‘ninja cops’ –50% ang naniniwala, 13% ang hindi naniniwala at 37% ang hindi tiyak.
Ang survey ay isinagawa mula December 13 hanggang 16 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1, 200 adults sa buong bansa.