Mahigit anim napung (60) porsyento ng mga Pilipino ang pabor sa pagpapatupad ng parusang kamatayan sa mga krimeng may kaugnayan sa iligal na droga.
Ayon sa resulta ng First Quarter 2017 Survey ng Social Weather Stations (SWS) anim napu’t isang (61) porsyento ang suportado ang death penalty kung saan 36% ng mga respondents ang nag “strongly approve” at 24% naman ang “somewhat approve”.
Sinabi ng SWS na maituturing pa ring good ang approval rating kung saan 23% ang kontra sa pagpapatupad ng parusang kamatayan samantalang 16% naman ang undecided o hindi pa mabatid ang pasya sa nasabing usapin.
Plus 58% very good approval score sa reimposition ng death penalty na pinakamataas ay mula sa Metro Manila na sinundan ng Luzon sa plus 39% very good score.
Ang nasabing survey ay isinagawa mula March 25 hanggang 28 gamit ang face to face interviews sa 1, 200 respondents sa buong bansa.
By Judith Larino
Mayorya ng mga Pinoy pabor sa death penalty—SWS was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882