Mas pabor ang maraming Pilipino sa idineklarang Martial Law sa Mindanao bunsod ng nagpapatuloy na bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at ISIS-Maute group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ito’y batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS sa isanlibo dalawandaang (1,200) respondents noong June 23 hanggang 26.
Batay sa resulta ng survey, limampu’t pitong (57) porysento ng mga respondent ang nasabing tama ang desisyon na magdeklara ng Batas Militar, dalawampu’t siyam (29) na porysento ang nagsabing dapat lamang itong ideklara sa Marawi City at Lanao del Sur.
Labing-isang (11) poryento naman ang nagsabing sa naturang lugar at mga karatig lalawigan lamang idineklar ang Martial Law.
Sa mga pumabor sa Batas Militar pinakamarami ay mga taga-Mindanao na 64 percent, 58 percent sa Metro Manila, 57 percent sa Visayas at 53 percent sa Luzon.
Opposition to nationwide expansion
Mahigit animnapung (60) porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi na dapat palawigin pa sa Luzon at Visayas ang idineklarang Martial Law ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Batay sa resulta ng survey na isinagawa ng SWS mula June 23 hanggang 26, 92 porsyento ng 1, 200 respondents sa buong bansa ang nakakabatid ng nasabing deklarasyon ng Pangulo.
Animnapu’t tatlong (63) porsyento ng mga nakakabatid sa Martial Law declaration ang kontra sa panukalang ideklara rin ang batas militar sa Visayas at 23 porsyento naman ang pabor samantalang 13% ang undecided.
Animnapu’t pitong porsyento (67%) naman ang kontra na ideklara ang Martial Law sa Luzon, 20% ang pabor at 13% ang undecided.