Mayorya ng mga Filipino ang pabor sa Philippine System Identification Act o PhilSys Act na isinabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte noon lamang Lunes.
Batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS sa isanlibo dalawandaang (1,200) respondents noong Hunyo 27 hanggang 30, 73 percent ang pabor sa PhilSys Act, 18 percent kontra at 9 percent ang walang opinyon.
Lumabas din sa survey na 61 percent ang nagtitiwala sa gobyerno na po-protektahan ang kanilang impormasyon sa ID, 8 percent ang walang tiwala habang 30 percent ang “undecided.”
Naitala ang pinakamataas na suporta para sa national ID mula sa Metro Manila na positive 60; sinundan ng Balance Luzon na positive 58, visayas, positive 53 at Mindanao, positive 48.
Samantala, 49 percent naman ang nagsabing kampante silang hindi gagamitin ng pamahalaan ang national ID Laban sa mga kumokontra sa administrasyon, 13 percent ang may maliit na tiwala habang 39 percent ang “undecided.”
—-