Mayorya ng mga Pilipino ang positibo ang pananaw sa pagsalubong sa Pasko, ngayong taon.
Batay ito sa resulta ng isinagawang Ulat ng Bayan Survey ng Pulse Asia sa 1,200 adult respondents noong Nobyembre a – 27 hanggang Disyembre a – 1.
Napag-alaman sa survey na inaasahan ng 43% ng Pinoy households na mas magiging masagana ang kanilang holiday celebration ngayong taong kumpara noong 2021.
52% naman ang nagsabing walang pinagkaiba ang pagdiriwang ngayong 2022 kumpara noong isang taon na inilarawan nila bilang masagana.
Mayorya ng mga may positibong pananaw ay nasa Visayas na aabot ng 66%.
Samantala, sa kaparehong survey period, karamihan sa mga tinanong o halos 92% ang nagsabing sasalubungin din nila ang bagong taon na may pag-asa.