Mayorya ng mga Pilipino ang positibong bubuti ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan o isang taon.
Ito ay matapos lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 42% ng mga Pilipino ang tinatawag na economic optimist o mga naniniwalang gaganda lagay ng ekonomiya ng bansa sa susunod na isang taon.
Nasa 28% naman ang nagsabing kapareho lamang o walang magiging pagbabago sa ekonomiya ng bansa.
Habang 18% ang economic pessimists o naniniwalang mas lalong sasama ang lagay ng ekonomiya ng bansa sa susunod na labing dalawang buwan.
Kaugnay nito, sinabi ng SWS na tumaas sa +24 o high ang net economic optimism score ng bansa, kumpara sa naitalang -9 noong Hulyo, -5 noong Setyembre noong nakaraang taon.
Isinagawa ang survey sa may 1,500 mga adult respondents sa pamamagitan ng face-to-face interview mula ika-21 hanggang ika-25 ng Nobyembre ng nakaraang taon.