Mahigit kalahati sa mga Pilipino ang kuntento sa mga hakbangin ng gobyerno para labanan ang Maute group na halos limang buwang umokupa sa Marawi City.
Ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations o SWS, 66 porsyento ng mga Pilipino ang kuntento sa ginawa ng gobyerno para mapulbos ang mga terorista samantalang 18 porsyento ang hindi kuntento o nakukulangan pa sa ginawa ng gobyerno at 16% naman ang undecided.
Ang nasabing SWS survey ay may satisfaction rating na “good” o plus 48 na dalawang puntos na mas mababa sa very good o plus 50 rating noong Hunyo.
Lumalabas din sa nasabing SWS survey na majority o karamihan sa mga respondents ay satisfied sa performance ng Pangulong Rodrigo Duterte at administrasyon nito sa paglaban sa terorismo partikular sa Maute group at pakikipag-isa sa mga rebeldeng Muslim.
Rumehistro sa very good o plus 67 o very satisfied ang net satisfaction rating ng Pangulo.
Ang survey ay isinagawa mula September 23 hanggang 27 sa 1, 500 Pinoy adults.
—-