Suportado ng mayorya ng mga Pilipino na gawing polymer ang Philippine banknotes.
Batay sa Consumer Expectation Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, 61.3% ng respondents ang nagsabing pabor sila sa salaping gawa sa polymer, na mas mataas ng 10.9% noong 2023.
Matatandaang inilabas ng BSP kamakailan ang bagong disenyo ng P50, P100, at P500 banknotes na bahagi ng first Philippine polymer banknote series, kung saan tampok ang larawan ng mga hayop at halamang matatagpuan lamang sa Pilipinas.
Magiging available ang limitadong bilang ng mga bagong polymer banknote denominations sa Greater Manila area ngayong buwan at tuluyang papasok sa sirkulasyon sa unang bahagi ng 2025.
Dagdag pa ng BSP, tuloy pa rin ang pag-ikot ng mga perang may mukha ng mga bayani ng bansa.