8 sa bawat 10 Filipino ang umaasang hindi na lalala ang covid-19 pandemic.
Batay sa Social Weather Stations (SWS) Survey noong April 19 hanggang 27, aabot sa record-high 83% ng respondents ang naniniwalang hindi na lalala ang pandemya.
Kumpara ito sa 80% noong December 2021 survey at 44% noong May 2020 survey.
Bumaba naman sa 16% ang nangangambang lumala pa ang pandemya kumpara sa 19% noong December 2021.
Isinagawa ang survey sa 1,440 respondents ilang buwan matapos ang omicron surge na nakapagtala ng record-high na mga bagong covid-19 cases.
Pinaka-mataas na bilang ng mga umaasang hindi na lalala ang covid-19 pandemic ay mula sa Mindanao, 86%, sinundan ng Metro Manila at buong Luzon, kapwa 82% at Visayas, 81%.
Pinakamarami naman sa mga nangangamba ay mula sa Visayas at balance Luzon, 18%; Metro Manila, 17% at Mindanao, 12%.