Mayorya ng mga Pinoy ang walang tiwala sa China.
Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS.
Batay sa survey na isinagawa sa may 1,200 respondents noong Setyembre 24 hanggang 27, lumalabas 55 porsyento ng mga Pinoy ang walang tiwala sa China.
Dalawampu’t dalawang (22) porsyento lamang ng mga Pinoy ang mayroong malaking tiwala sa China habang 19 na porsyento ang undecided.
Dahil dito, sinasabing taliwas sa pulso ng mayorya ng mga Pinoy ang pakikipagmabutihan ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Mamayang gabi inaasahang darating sa China ang Pangulo Duterte na layong palakasin ang relasyon ng Pilipinas at Beijing at makalikom ng bilyun- bilyong dolyar na pamumuhunan mula sa naturang bansa.
By Ralph Obina