Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa ”minimal risk” classification sa COVID-19 transmission ang karamihan sa rehiyon sa bansa.
Sa Talk To the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi ni Health Undersecretary Abdullah Dumama na anim na rehiyon ang kasalukuyang nasa ”low risk” category.
Kabilang aniya rito ang Central Luzon, Bicol, Eastern Visayas, SOCCSKSARGEN, CARAGA, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Dulot aniya ito ng positive growth rate sa nakalipas na dalawang linggo.
Sinabi pa ni Dumama na binabantayan ngayon ang ilang lugar na nakapagtala ng positive rates.
Hinimok naman ni Dumama ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 at magpa-booster shot.