Pabor ang mayorya ng mga Senador na ilipat ang tanggapan ng Senado sa Fort Bonifacio sa Taguig City sa 2020.
Labing apat na Senador ang bumoto na magtayo ng sariling gusali ng Senado sa BGC at tanging si Senador Bam Aquino at Senador Risa Hontiveros lamang ang tumutol sa mungkahing ito.
Paliwanag ni Senador Panfilo Lacson simula pa noong 1996 ay umuupa na ang Senado sa gusali ng Government Service Insurance System at paggamit ng parking lot na umaabot na sa 2.24 billion Pesos na sapat na umano para makapagtayo ng isang permanenteng Senate building.
Hindi rin naiwasan ng Senador na maihalintulad ang mga historic at nakakamanghang parliament buildings ng ibang bansa sa inuupahang gusali ng Senado.
Labing pitong taon na umanong iminumungkahi ang pagtatayo ng sariling gusali ng Senado at panahon na aniya ito upang maisakatuparan.