Kumpiyansa ang MMDA o Metropolitan Manila Development Authority na protektado na ang mayorya ng populasyon sa Metro Manila sa November.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, nakakapagbakuna na ang National Capital Region ng aabot sa 200,000 doses kada araw lagpas na ito sa target na 120,000 na mabakanuhan kada araw.
Pinaka prayoridad aniya sa “population protection” na ito ay ang medical frontliners, senior citizens at persons with comorbidities.
Ipinagmalaki rin ni Abalos na nag-improved na ang healthcare utilization ng Metro Manila ngayong bumaba na ang kaso ng COVID-19.