Walumput siyam na porsyento (89%) ng mga Pilipino ang nagaalalang madadapuan ng COVID-19 mahigit isang taon matapos ideklara ang pandemya.
Ito ang resulta ng survey ng Social Weather Stations kahit pa tuluy-tuloy ang vaccination rollout ng gobyerno.
Sa isinagawang survey mula Abril 28 hanggang Mayo 2 70% ng mga Pilipino ang matindi ang pag-aalala at 19% naman ang bahagyang nag a alala na makukuha ang nasabing virus.
Labing isang porsyento (11%) naman may kaunting takot o hindi takot na makukuha ang COVID-19.
Ayon sa report ng SWS kumpara sa mga nakalipas nilang survey matinding ang takot ng mga pilipino na madapuan ng COVID-19.kumpara sa makuha ang virus mula sa ebola, swine flu, bird flu at sars.
Nakasaad pa sa survey na 49% ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi pa nararanasan ang worst situation kaugnay sa pandemya samantalang 50% naman ang nagsabing narito na ang pinakamatinding epekto ng global health crisis.