Nababahala ang mayorya ng mga Pinoy sa ‘extrajudicial killings’ sa bansa.
Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS, lumalabas na 78 porsyento ng mga Pinoy ang nababahalang sila o ang kanilang kakilala ay maging biktima ng EJK.
Sampung porsyento lamang ng mga Pinoy ang hindi nababahala habang 12 porsyento ang walang pakialam sa usapin ng EJK.
Samantala, 71 porsyento naman ng mga Pinoy ang naniniwalang mahalagang buhayin ang mga nahuhuling drug suspect.
Habang isang porsyento lamang ng mga Pinoy ang naniniwalang hindi importanteng mahuli ng buhay ang mga hinihinalang drug suspect / user.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Disyembre 3 hanggang 6 sa may 1,500 respondents.
By Ralph Obina