Nais ng mayorya ng mga Pilipino na pangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tao na napabilang sa kanyang narco-list at makasuhan ang mga ito.
Ito ay batay sa resulta ng survey ng SWS o Social Weather Stations na kanilang isinagawa mula Hunyo 23 hanggang 26 sa 1,200 mga respondents.
Ayon sa resulta ng survey 46 percent ang matinding sumang-ayon na ibunyag na ni Pangulong Duterte ang mga drug personality na nasa kanyang listahan at sampahan ang mga ito ng kaukulang kaso sa korte.
Habang 28 percent ang bahagyang sumang-ayon at 12 percent naman ang hindi sumasang-ayon na isapubliko pa ang mga pangalan ng nasa narco-list ni Pangulong Duterte.
Magugunitang Agosto noong nakaraang taon nang unang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may hawak siya ng inisyal na listahan ng mga pulitiko, hukom, pulis at militar na aniya’y sangkot sa iligal na droga.
—-