Mayorya ng mga Pinoy ang naniniwalang dapat ipaglaban ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ito ay batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa sa 1,800 respondent noong Hunyo 15 hanggang Hunyo 25.
Lumabas sa resulta ng naturang survey na 73 porsyento ng mga Pinoy ang pabor na igiit ng administrasyong Duterte ang ruling na nagpawalang bisa sa nine-dash line claim sa bahagi West Philippine Sea ng South China Sea.
Nasa gitna naman ang panig ng 17 porsyento habang apat na porsyento ang medyo tutol at tatlong porsyento ang mariing tinutulan ang pagpapatupad ng naturang desisyon.