Kahit sa dami ng pinagdaanan ng Pilipinas ngayong 2016, halos lahat o 95 porsyento ng mga Pinoy ay pag-asa ang nakikita sa pagpasok ng 2017 sa halip na takot.
Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Disyembre 3 hanggang 6 sa 1,500 adults o may edad 18 pataas.
Sinasabing mas mataas ito kumpara noong taong 2015 kung saan 92% lamang ang naniniwalang magiging maganda ang taong 2016 para sa kanila.
Batay sa pinakabagong survey, limang porsyento lamang ang nagsabing nakakaramdam sila ng takot sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Napantayan naman nito ang all-time high na 95 percent na naitala rin sa mga survey noong 2002, 2003, 2011 at 2012.
By Jelbert Perdez