Labis ang tiwala ng mas maraming Pinoy kay President-elect Rodrigo Duterte.
Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS mula Mayo 1 hanggang Mayo 3 sa 4,500 respondents.
Limampu’t apat (54) na porsyento umano ng mga respondent ay mayroong “much trust” sa susunod na pangulo habang 28 porsyento naman ang mayroon lamang “little trust” sa kanya.
Ayon sa SWS, mas mataas ito kumpara sa 47 percent na nakuha ni Duterte noong December 2015.
Samantala, nakakuha naman ng positive 45 rating si incoming Vice President Leni robrEdo na may katumbas na “good status”.
Mas mataas din ito sa positive 29 rating ni Robredo noong Disyembre ng nakaraang taon.
By Jelbert Perdez