Mayorya ng mga presidential candidates para sa 2022 Election ang natutuwa sa legacy ng Build, Build, Build program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero karamihan sa mga ito ay nagsabing kailangan pa ng malakawang improvement sa programa.
Sa kauna-unahang presidential debate na ginawa ng COMELEC, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na magiging matagumpay ang programa, kung nakumpleto ang 118 proyekto sa bansa.
Nasa labing-dalawa lang kasi aniya ang nagawa hanggang ngayong buwan.
Habang para naman kay Ernesta Abella, ikinokonsidera na magiging matagumpay ang programa kung masasakop ang building structures.
Naniniwala naman si Manila Mayor Isko Moreno na mahalaga ang programa, pero mas mabuting pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng maraming paaralan, ospital, post-harvest facility at pagkukunan ng enerhiya.
Ipagpapatuloy naman ni Vice President Leni Robredo ang Build, Build, Build program, pero mas tutuon aniya siya sa public-private partnership imbes na sa official development assistance.
Samantala, para kay Labor Leader Leody De Guzman, mas maiging pagtuunan ng pansin ang kagutuman at kahirapan lalo na ngayong pandemya.
Ang mga nakikita naman dito nina; Norberto Gonzales, Faisal Mangondato at Jose Montemayor ay dapat para lamang sa karapat-dapat na recipients at kailangang matiyak na walang korupsyon. —sa panulat ni Abby Malanday