Mayorya na ng mga rehiyon sa Pilipinas ang nakapag-transmit na ng election returns sa pagkasenador at partylist groups.
Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, nagmula ang ERs sa Cordillera Administrative Region, Metro Manila, Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, Bicol, Region 6, 7, 8, 9, 11, 12 at 13.
Sa Northern Mindanao at Cagayan De Oro City, nasa mahigit 85% na lamang ng transmission ang hinihintay.
Sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, magdaraos pa lamang ng special elections sa tatlong bayan sa Lanao del Sur habang hindi pa nagsisimula ang Overseas Absentee Voting sa Shanghai, China.
Kahapon, target ng poll body na makuha ang boto mula sa Lungsod ng Maynila, Taguig-Pateros, South Cotabato, Cebu, Davao City, Zamboanga del Sur at Basilan.