Unti unti nang lumulutang ang mga kaso ng iba pang sakit sa ilang bahagi ng bansa dahil sa mababang insidente ng pagpapa bakuna.
Ayon sa Department of Health, mayroon ng mga kaso ng Dipththeria ang napaulat sa ilang rehiyon tulad ng CAR o Cordillera Administrative Region.
Sinabi ni DOH Medical Specialist Anthony Calibo na napag usapan na nila sa nakalipas na buwan ang ilang kaso ng Diphtheria.
Ayon pa kay Calibo, may isyu ng availability ng Diphtheria anti toxin dahil mahalagang ma pangasiwaan ang mga mayroong Diphtheria na nakakapag pahina ng heart muscles, sakit sa dibdib at posibleng magdulot ng heart failure.
Batay sa record ng DOH, mayroong mababang kaso ng Diphtheria sa bansa at noong isang taon, naitala ang 55 kumpirmadong kaso ng diphtheria kabilang ang 13 nasawi.