Inamin ng Department of Health (DOH) na may mga “fully vaccinated” na Pilipino ang nahahawa pa rin ng COVID-19 o tinatawag na ‘breakthrough infections’.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ‘breakthrough infections’ ay ang mga taong nakapagpabakuna na ng second dose ngunit tinatamaan pa rin ng COVID-19.
Nilinaw nmana ni Vergeire na hindi ito marami subalit hindi pa rin natutukoy kung ilan ang may kaso ng naturang impeksyon.
Sinabi pa ni Vergeire, inaalam pa ng kagawaran kung ilang araw matapos itong mabakunahan ng una at pangalawang dose ng bakuna bago ito nagkakaroon ng COVID-19 upang makagawa ng kaukulang hakbang.
Bukod dito, tiniyak ni Vergeire na mabisa at nalalabanan pa rin ng mga bakuna maging sa mga bagong variants kabilang na ang Delta variant na mula sa India upang hindi magkaron ng malalang sakit.
Sa katunayan, ang Pfizer COVID-19 vaccine ay 79% mabisa kontra Delta variant at 92% mabisa kontra Alpha variant na mula naman sa United Kingdom.
Ang AstraZeneca naman ay mabisa ng 92% kontra Delta variant.