Lumilinaw na ang mga pagtatangkang i-discredit o sirain ang kredibilidad ni Vice President Leni Robredo.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo matapos lumutang ang tinaguriang ‘Leni leaks’ na umano’y destabilization plot laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman sinabi ni Hernandez na natutuwa sila dahil maraming cabinet members ang nagsabing huwag nang pansinin ang nasabing ‘Leni leaks.’
Bahagi ng pahayag ni Ms. Georgina Hernandez
Kasabay nito, sinabi rin ni Hernandez na ikinagagalak ng kanilang kampo na mayorya pa rin ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa Bise Presidente.
Bagamat may pagbaba, gagamitin na lang anila itong pagkakataon na mapahusay pa ang kanilang trabaho.
Matatandaang sa pinakahuling Pulse Asia survey, nakakuha si Robredo ng 58% trust ratings mula 65% at approval ratings na 62% mula sa dating 66%.
By Judith Larino | Aiza Rendon | Ratsada Balita