Ilalaan na lamang ni undefeated boxer Floyd Mayweather Junior ang kanyang oras at atensyon sa kanyang pamilya.
Ito ang sinabi ni Mayweather matapos ang kanyang pagreretiro kasabay ng ika-49 niyang panalo makaraang talunin si Andre Bert sa Las Vegas kahapon.
Sinabi ni Mayweather na tututukan na niya ngayon ang kanyang mga anak hanggang sa makatapos ang mga ito ng pag-aaral.
Ayon kay Mayweather, sa loob ng 19 na taong pakikipagbakbakan at pagiging world champion ng 18 taon ay nabasag na niya lahat ng records.
Bahagi na aniya ng kasaysayan ang kanyang record na 49-0 at umaasang din itong may papantay o hihigit sa kanyang record.
By: Ralph Obina