Nangako ang nagbabalik na US boxing legend na si Floyd Mayweather Jr. na bibigyan niya ng maganda at nakalilibang na laban ang kaniyang New Year’s Bout laban sa Japanese kickboxer na si Tenshin Nasukawa.
Ayon kay Floyd, walang problema sa kaniya kung matalo siya ng kalaban nito dahil “all about entertainment” naman aniya ang nais niyang ibigay sa kaniyang mga fans.
Para naman kay Nasukawa, handa na rin siya para sa kakaibang laban lalo’t hindi niya magagamit ang kaniyang paa para sa pagsipa dahil iba ang panuntunan ng laro.
Ang kailangan lamang niya sa ngayon ay lalong paghandaan si Mayweather lalo’t wala pa itong katalo-talo sa larangan ng boxing.