Muling nanguna si US boxing champion Floyd Mayweather Jr. sa listahan ng highest paid athletes ng Forbes magazine.
Ayon sa Forbes magazine, pumapalo sa 275 million dollars ang kabuuang kita ni Floyd Jr. mula June 1, 2017 hanggang June 1, 2018.
Pinakamalaking kinita ni Floyd Jr. ay nagmula sa kaniyang laban kay Conor McGregor noong August 2017.
Ikalawa namang highest paid athlete si football star Lionel Messi na nasa 111 million dollars ang kita at nasa ikatlong puwesto naman si Cristiano Ronaldo na may kinitang aabot sa 108 million dollars.
Ika-apat naman sa listahan si UFC Star McGregor na nasa 99 million US dollars ang kinita at ikalima si Brazilian footballer Neymar na kumita ng 90 million US dollars.
—-