Kinutya ni dating World Boxing Champion at ngayo’y promoter na si Oscar ‘Golden Boy’ Dela Hoya ang bakbakang Floyd Mayweather Jr. at UFC Star Conor McGregor.
Ayon kay Dela Hoya, hindi naman totoong laban ang paghaharap nina Mayweather at McGregor.
Kaya naman nanawagan ang dating Olympic Boxing Champion sa mga fan na huwag nang panoorin ang naturang laban sa halip ay tangkilikin na lamang ang bakbakang Canelo Alvarez at Gennady Golovkin para makasaksi ng totoong laban.
Ang labang Alvarez – Golovkin ay gaganapin sa Setyembre 16 sa ilalim ng Golden Boy Promotions ni Dela Hoya.