Labis na ikinabigla ng Showtime Sports ang resulta ng sales o kita ng bakbakang Conor McGregor at Floyd Mayweather Jr. noong Agosto.
Ito’y makaraang tumabo ng 4.3 milyon ang pay per view buys ng laban sa North America na nagkakahalaga ng humigit kumulang kalahating bilyong dolyar.
Gayunman, nananatili pa ring nangunguna ang laban nila fighting Senator Manny Pacquiao at Floyd Mayweather noong isang taon na nakapagtala ng 4.6 milyong buys at kumita ng 600 milyong dolyar.
—-