Nahaharap sa panibagong reklamo si Floyd Mayweather Jr.
Ito ay kaugnay sa hindi niya pagsipot sa SLS Hotel sa Las Vegas.
Ayon sa pamunuan ng hotel, pumayag si Mayweather na doon niya gagawin ang kanyang kaarawan noong Pebrero at bilang bahagi ng kasunduan ay magbabayad ng hotel ng 35,000 dolyar bilang bahagi ng endorsement ng boksingero.
Naibigay na ng hotel ang kalahati ng naturang halaga subalit biglang nagkansela ang boksingero at nagpasya itong manatili sa europa para doon gawin ang kanyang kaarawan.
Nagpasya ang hotel na kasuhan si Mayweather matapos tumanggi ang kampo nito na isauli ang ibinigay na downpayment.
By Katrina Valle