Nasa Pilipinas na ang American boxing legend na si Floyd Mayweather.
Dumating sa bansa kagabi si Mayweather sakay ng kanyang gulfstream jet mula sa kanyang matagumpay na exhition match sa Japan.
Sinalubong siya nina Frontrow & Hotel Executives Richmond Yu at CEO Sam Versoza sa private hangar ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson.
Nabatid na inimbitahan ang Undefeated US Boxer ng isang health and beauty product company na Frontrow upang maging brand ambassador.
Nakatakda ring bumisita si Mayweater sa ilang private resort sa bansa para sa iba pang events ng kumpanya.
Ikinatuwa naman ni Mayweather ang pagbabalik sa Pilipinas at sinabing nag-eenjoy siya sa pagbisita sa bansa. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)