Posibleng pasukin na rin ni dating welterweight champion Floyd Mayweather Jr. ang mundo ng mixed martial arts.
Ito ang inihayag ni Mayweather makaraang aminin na plano niyang tanggapin ang alok na sumailalim siya sa training kay dating UFC Champion Tyron Woodley.
Ayon kay Floyd, inaasahang anumang araw ay maaari na siyang sumabak sa training.
Magugunitang nag-retiro si Pretty Boy noong Agosto ng isang taon matapos ang kanyang panalo via technical knockout laban sa MMA star na si Conor McGregor sa Las Vegas, Nevada.
Bagaman magsasanay sa ilalim ng isang dating MMA champion, nilinaw ng undefeated boxer wala pa sa kanyang plano na sumabak sa aktuwal na MMA fight.
—-