Tila kumambiyo ang US boxing champion na si Floyd Mayweather Jr. sa naunang pasiya hinggil sa pagkakaroon ng rematch kontra kay Fighting Senator Manny Pacquiao.
Paliwanag ni Mayweather, malabo na aniyang magkaharap pa silang muli ni Pacquiao ngayong pumirma na ang fighting senator ng kontrata kay Al Haymon.
Dahil aniya rito, iisa na lamang ang kanilang manager ni Pacquiao.
Magugunitang noong mga nakaraang linggo lamang inanunsyo ni Mayweather na interesado siyang muling makaharap si Pacquiao.