Inamin ng aktor na si McCoy De Leon naranasan niya noon ang sakit na depresyon.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng McCoy ang short clippings mula sa kanilang bagong pelikula ng kaniyang real-life leading lady na si Elisse Joson kung saan makikitang pareho silang emosyonal.
Kwento ng aktor, personal para sa kaniya ang kanilang pelikula dahil naaalala raw niya ang panahong na-diagnose siya sa sakit na depresyon noong 2020.
Aniya, palagi lamang siyang nakangiti noon pero sa loob niya ay hindi na niya kinakaya ang mga bagay na kaniyang pinadaraan at dumating pa siya sa punto na hindi nakakatulog, panay na lamang ang iyak at malapit nang sumuko.
Kaya’t laking pasalamat daw niya sa kaniyang girlfriend na Elisse na tumulong sa kaniya para gumaling sa kaniyang sakit.